Friday, August 29, 2008

"ANg Kuya ng BAyan"

Si kuya Gerry ay isa sa mga pinakamatalik kOng kaibigan. Hindi man sya ganun ka gwapo pero isa siya sa mga pinkatotoong taong nakilala ko. Medyo may katangkaran si kuya Gerry, malaki ang bulto ng pangangatawan at medyo mataba ng kaunti. May kaitiman din siya, makapal ang maitim at kulot ang buhok. Makakapal ang mga labi at hidi gaaong malaking mata. Si kuya Gerry ang kuya ng bayan, handa siya magbigay ng payo sa mga kailangan payuhan. Siya ang taong gugustuhin mong makasama buong araw at wala kang ibang gagawin kundi nag tumawa ng tumawa. Ayaw nya ng may malungkot, gusto nya laging masaya at sa tuwing may problema ang isa sa amin ay hindi nya hahayaang makita na iiyak o nakasimangot kami. Gagawa talaga siya ng paraan upang kami ay pangitiin. Mabait siya at mapagbigay lalo na sa mga bagay na alam nyang makakapagpasya sa amin. Sobrang kulit at mahilig mang-asar, gustong-gusto niya kapag may naasar siay at para bang nakokompleto ang araw niya. Minsan naririnig kong sinasabi ng iba, na masamang impluwensya daw si kuay para samin. Pero ang totoo, gusto namin siyang kasama kasi pinapasaya niya kami. Binibigay nya samin kahit na anong bagay na nagpapasaya samin. Siay ang klase ng taong di marunong magtanim ng sama ng loob at di siya marunong magalit. Lagi lang siya nakatawa na para bang wala siyang daladalang problema. Pero ang totoo pag tatlo nalang kami nina Jhey, nag-eemot din yun ayaw lang siguro nyang makita ng iba na nalulungkot siya. Sa lahat ng kaibigan kong lalaki siya ang pinaka da BEST, dahil alam kong di nya kami iiwan kahit na anong mangyari.

No comments: