Friday, August 29, 2008

"Ang aking KAibigang si Baki"

Noon nakikita ko lang siya sa paaralan. Tuwing nakikita ko siya lagi siyang mayroong nginunguya sa bibig. Ang sabi ko nga noon “grabe kung makanguya akala mo kambing” kasi sa tuwing nakakasalubong ko siya laging ganoon. Hindi ko akalaing magiging kaibigan ko siya at magiging kaklase pa. Ang akala ko noon ay isnabera at maldita pero hindi naman pala. Ang pangalan niya ay Bernadette L. Fernandez. Siya ay hindi katangkaran ang taas, morena, bilugan ang pisngi at mayroong biloy. Hindi siya mahinhin kumilos tila parang lalaki kung umasta. Ngunit siya ay isang matalino at masipag na studyante. Mataray ang dating niya sa ibang taong hindi nakakakilala sa kanya pero kung makikilala lang nila ito, isa siyang mabait, makulit, matulungin, magaling magbigay ng payo lalo na kapag usapang pag-ibig, totoong tao at higit sa lahat totoong kaibigan. Matapang siyang babae at malakas ang karisma niya. Mahilig siyang magbasa at magsulat ng mga tula o kanta. Mahilig siyang kumanta ngunit iyong kanta naman yata ang ayaw sa kanya. May pagkamataray siya kung minsan kapag naiinis. May pagkamataray siyang tumingin at maingay maglakad kaya minsan may nagalit sa kanya dahil ang akala nagtataray siya pero hindi naman likas na sa kanya ang ganoon. Kaya tinawag siyang Baki sa kadahilanang minsan nanununtok o nananakit siya kapag natutuwa o kaya naman kapag naiinis. Kapag nakita mo siyang nakanguso ibig sabihin mayroon siyang problema. Hindi siya perpekto pero isa siya sa mga mabuting kaibigan na nakilala ko. Iyan ang aking kaibigan na si Baki walang arte sa katawan, natural, hindi mapagpanggap, prangka, madaldal kung minsan pero mahal ko siya na parang isang tunay na kapatid at hinding hindi ko siya makakalimutan.

No comments: